Dahil sa hirap ng sitwasyon ngayon ng mga bakwit sa Batangas, marami ang nakaisip mag-donate ng relief goods doon para sa kanilang basic needs. Ang ilan dito ay tubig, pagkain, mga gamit pantulog, hygiene kit at iba pa.


Pero malayo dito ang naisip na i-donate ng isang kumpanya.Kaya naman ikinagulat ng maraming netizen ang ibinigay na tulong ng isang makeup brand sa Taal evacuees.

Imbes kasi na mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ang ibigay, nagdesisyon umano ang naturang kumpanya na mamahagi ng lipstick sa mga bakwit. At dahil marami ang kanilang mga pagbibigyan nito, umabot umano sa 3 million ang total na halaga ng mga iyon.

Ito ay ayon sa tweet ng netizen na si wifey may Twitter handle na ‏@warysanchhh.

Saad ng netizen, naghahakot sila ng mga ido-donate ng kanilang opisina sa mga biktima ng bulkang Taal nang malaman nyang ang kanila umanong 'makeup brand na partner' ay magbibigay ng 20k worth of lipstick.

Kinalaunan, nalaman nyang worth 3 million pala talaga lahat ang total na halaga ng ipamamahaging mga lipstick.

Hati ang reaksyon ng mga netizen sa usaping ito. Base kasi sa ilang pag-aaral, may positibong epekto raw ang pagbibigay ng mga bagay na katulad nito sa mga taong labis na na-stress dahil sa problema, o sa sitwasyong ito—humagupit na kalamidad.

Ang simpleng kaligayahan na hatid ng cosmetics sa mga kababaihan sa mga ganitong pagkakataon di umano ay malaking tulong sa komunidad ng mga nasalanta.

Narito ang twitter post:





Basahin ang komento ng mga netizen:








Source: @warysanchhh


Love this article? Sharing is caring!

3M worth of lipstick, idinonate sa Taal victims 3M worth of lipstick, idinonate sa Taal victims Reviewed by The News Feeder on 18 January Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.