Sa gitna ng pangamba sa sakit na dala ng novel corona virus, napagdesisyunan ng China na isailalim sa lockdown ang ilang syudad doon. Dahil dito, ang anumang tulong gaya ng gamot o maging ang mga supply ng pagkain ay hindi na nakakarating sa mga nasabing lugar.

Ito ang kinakatakot ngayon ng dalawang pinoy na na-trap sa lugar na napakalapit lamang sa Wuhan, China: ang Hubei, na ayon sa kanila ay 90 minutes away lamang sa Wuhan.


Dulot ng lockdown, hindi makaalis ang dalawang kawawang pinoy sa kanilang kinalalagyan.

Paliwanag nila sa video na in-upload sa Facebook, sinubukan pa nilang makalabas ng Hubei pero nabigo sila. Kwento pa nila, sumakay sila ng taxi papunta sa train station pero dahil sa takot ng taxi driver, hindi na sila hinatid nito sa mismong station.

Bunsod nito, napilitang maglakad ang dalawa papunta ng train station. Ngunit sa kasamaang palad, pagdating doon, sinabihan sila ng mga awtoridad na naka-lockdown na ang kanilang lugar. Dahilan kaya nagmistula na raw itong ghost town.

Sa two-part video ng mga pinoy na sina Liz De Guzman at Shaukeen Canas, nanawagan ang dalawa sa gobyerno ng Pilipinas at humihingi ng saklolo para matulungan silang mailikas mula sa napaka-mapanganib na lugar ngayon habang may pagkakataon pa.

Dagdag pa nila, kinakabahan na sila sa mga pwede pang mangyari sa mga susunod na araw.

Nabanggit din ni Canas na hati ang opinyon ng mga kapwa nya pinoy sa China. Ang iba kasi ay gusto pang maglagi doon at hindi katulad nila ni De Guzman.

Panuorin ang kanilang mga video:









Love this article? Sharing is caring!

2 pinoy malapit sa Wuhan, humihingi ng saklolo: 'Kinakabahan na po kami!' 2 pinoy malapit sa Wuhan, humihingi ng saklolo: 'Kinakabahan na po kami!' Reviewed by The News Feeder on 26 January Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.