Mga larawan ni Jeremy habang nag rereview para sa board exam mula sa Facebook post ni Emma



Ikalawa sa naging top-notcher sa board ng November 2019 Civil Engineer (CE) ay nag aral sa humble at maliit na lamesa habang siya ang nagrereview.

Salat man sa buhay at walang magarbong kwarto o tahimik at maluwang na aklatan ang top-notcher na si Jeremy Recinto Rifareal. Hindi ito nagging hadlang para makamit niya ang tagumpay.

Sa isang post sa Facebook, ipinagmamalaki ng tiyahin ni Jeremy na si Emma Rifareal ang mapagpakumbabang lugar kung saan nag rereview ang kanyang pamangkin.

Sa larawan, makikita si Jeremy na nakaupo sa tabi ng isang mesa na maliit na parang pang bata. Sa kanyang tabi naman ay isang pader na dinikitan niya ng kanyang notes at reviewers.

"Sino mag-aakala na 'yun ganyan klase ng pagre-review ay magiging Board Topnocher TOP 2 sa Civil Engineering Licensure Examination Nov 2019." Ayon sa post ng tiyahing si Emma.

"Maliit na lamesa sa lapag nakaupo, mga reviewer na nakadikit sa dingding, ilaw na ni-repair lang at minsan may istorbo pang makulit na aso na kailangan niya kamutan para patulugin. haha," dagdag ni Emma

Natuwa rin ang mga netizen sa larawan kung saan katabi ni Jeremy ang kanyang alagang aso na natutulog habang siya ay nag rereview.


Si Jeremy kasama ang kanyang alagang aso na matiyaga siyang sinasamahan / larawan mula sa Facebook post ni Emma


Nag viral ang post na ito ni Emma dahil maraming netizens ang na inspire kay Jeremy, narito ang ilan sa kanilang mga nakakatuwang mensahe at komento.

“Walang imposible sa taong may pangarap. Dream big, aim high. Make it happen. sabi nga ng paborito kong vlogger, congrats!”

“Sana all may bespren habang nag rereview. Look at that doogo. Kawaiii.

“Mabuhay ka! Ganyan din ako noon nagrereview ako, nakadikit sa pader at kisame ang manila paper na puno ng formula.

“Nakaka inspire! Wala naman yan sa ganda ng lamesa o study room, nasa tiyaga yan mag aral at ang kyut ng doggoo nya!”

“Proud ako sa iyo Kuya kasi pet lover ka eh kaya mapag mahal ka sa hayop ikaw Ay pagpapalain ng maykapal at sa Pagtiyiyaga mo. At. Pagtitiis sa pag aaral mo at ngayoy. Ikay. Pinagpala ng maykapal..”

“Sana ganto din mga anak ko pag laki masisipag mag aral. Congrats po sa anak nyo especially po sa inyong mga magulang ang swerte nyo po.

“Congrats sa kanya. Kapag may pangarap walang imposible.”

Larawan mula sa Facebook post ni Emma











Love this article? Sharing is caring!

Walang imposible! Top 2 sa Civil Engineer board exam nagtiis mag-aral sa maliit na mesa kasama ang alagang aso Walang imposible! Top 2 sa Civil Engineer board exam nagtiis mag-aral sa maliit na mesa kasama ang alagang aso Reviewed by Sidney Cruz on 22 November Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.