Litrato mula sa Facebook account ni Pamela Rollo
Ang Bell’s Palsy ay isang kundisyon na kung saan ang isang bahagi ng mukha ay napaparalisa o humihina ang kalamnan nito kaya ito tumatabingi. Partikular na tinatamaan at namamaga ang cranial nerve VII, na sumusuporta sa mga kalamnan ng mukha.

Hindi lamang ang pagka-paralysis ng facial muscles ang maaaring maranasan ng may Bell’s Palsy kundi maaa-ring makadama siya ng sakit sa likod ng taynga, kawalan ng panglasa sa pagkain at maaari rin na hindi makarinig. Iglap ang pagkaparalisa ng facial muscles kaya hindi mapigilan ang pagkurap, pagkisap at ang paggalaw ng eyelids. Mayroong hindi makontrol ang pagngiti at ang pagsara ng bibig.

Kundisyon ng isang may Bell's Palsy
Hindi malinaw ang dahilan ng Bell’s Palsy. Pero paniwala ng maraming neurologist, dulot ito ng herpes simplex virus. Kapag tinamaan ang cranial nerve VII, dito na nagkaka-Bell’s palsy. May mga taong nag-aakalang dahil ito sa exposure sa lamig, sobrang pag-iisip sa gabi at kung anu-ano pa.


Gaya ng isang babae na nagbahagi ng kanyang karanasan tungkol sa kundisyong ito. Ayon kay Pamela Rollo, nagsimula ito sa pagbaba ng kanyang dugo at potassium sa katawan at hindi natural na pagluluha ng mata.

Litrato mula sa Facebook account ni Pamela Rollo
"Nagsimula sa pagbaba ng dugo at pagbaba ng potassium ng katawan. Hanggang sa hindi na natural na pagluluha ng mata at hindi paggalaw ng kanang bahagi ng labi, hindi pag-pikit ng kanang mata, hindi pag-galaw ng kanang kilay at pagtabingi ng kanang pisngi," kwento ni Pamela.


Ayon sa kanyang Facebook post, isa sa mga dahilan kung bakit nagkaroon sya ng ganitong kondisyon ay dahil sa pagtulog ng basa ang buhok. Suspetsa pa ni Pamela, nakadagdag ang stress, pagkain palagi sa fastfood chain, milk teapuyat at nakatutok na electric fan o aircon habang natutulog.

Litrato mula sa Facebook account ni Pamela Rollo
"Kaya kung stress ka, sis paki-usap matulog kana. Tanghalian at hapunan fast food? Sis, umuwi kana sa bahay kana kumain. MILK TEA, yes you read right, naadik ako sa Cream Cheese, oreo, love potion, pearl milk tea at GOLDEN SUN. PUYAT? Tumaas nga rank ko sa mobile legends tumabingi naman yung pisngi ko. Nakakatamad na magpatuyo ng buhok bago matulog, I suggest, WAG KANA MALIGO. Nakatutok sa fan, hays! Paikutin mo nalang, kesa mahipan ng masamang hangin. Tumabingi din tulad sakin. Tandaan, HINDI KA MAYAMAN," mungkahi ni Pamela.


Sa ngayon ay sumasailalim sa therapy si Pamela at nagtatake ng Vitamin B para gumaling ang kanyang kundisyon.

"Now I am currently taking corticosteroid drugs to reduce inflammation. Going to hospital everyday for physical therapy. Taking vitamin B for maintaning good health and well-being. Eye drops to prevent infections. Praying for my fast recovery," pagtatapos ni Pamela.

Ngunit kinondena ito ng isang netizen. Basahin dito: Licensed PT, kinondena ang pahayag ng nagka-Bell's Palsy umano dahil sa milk tea, fast food, atbp

Sa ngayon ay deleted na ang Facebook post ni Pamela Rollo sa hindi alam na dahilan.

PAALALA: Ang mga nabanggit na dahilan ni Pamela ay base lamang sa kanyang karanasan at wala itong matibay na patunay syentipiko. Maigi po na kumunsulta sa mga eksperto kung may nararamdamang mga sintomas para maagapan ang ganitong kundisyon.

Next read:

Nakaa-alarmang dulot umano ng Kinder Joy sa kalusugan ng bata, ibinahagi ng isang Nanay

Taal evacuees, inirampa ang kanilang mga naggagandahang kasuotan mula sa donasyon

Relief goods, ipinagdaramot raw sa mga bakwit ng isang officer mula sa MSWD

Single mom’s open letter to LP and CBCP: You cannot even empathize with the real victims for your political agenda!

Netizens, ikinagulat ang napanuod sa video na kuha nang sumabog ang bulkang Taal taong 1965

Source: Pamela Rollo / Facebook via The News Spy


Love this article? Sharing is caring!

Isang babaeng may Bell's Palsy, nagbabala sa mga posibleng sanhi ng ganitong kundisyon Isang babaeng may Bell's Palsy, nagbabala sa mga posibleng sanhi ng ganitong kundisyon Reviewed by Kristian S. on 11:30 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.