Irma Catapang (MIASCOR Employee), photo screnshot from TV Patrol video
Inatasan ni Pangulong Duterte ang Clark International Airport na kanselahin ang kontrata ng service provider na MIASCOR matapos masangkot ang apat na empleyado nito sa pagkawala ng laman ng bagahe ng mag-asawang lumapag sa airport sa Pampanga.

Ito’y matapos ipatawag ni Duterte ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr), Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport matapos naman ang reklamo ng mag-asawa na nanakawan ang kanilang bagahe matapos silang lumapag sa airport sa Pampanga.



“Kung sino ‘yung provider, service provider diyan, you terminate the contract and look for another one,” sabi ni Duterte.

Kasabay nito, inatasan ni Duterte ang mga opisyal ng airport na humingi ng sorry sa mga biktima ng pagnanakaw.

Sa kabilang panig naman, halos libo-libung empleyado ng MIASCOR ang matatanggalan ng trabaho sa opisyal na desisyong ito.

Dahil sa pangyayaring ito, umapela kay Pangulong Duterte ang ilang empleyado ng MIASCOR kaugnay ng desisyon nitong putulin ang kontrata ng kompanya.

Isa na rito si Irma Catapang na 13 tao nang nagtatrabaho sa utility sa airport lounge ng NAIA.



Ayon sa video na inilabas ng TV Patrol, mangiyak-ngiyak na nananawagan at nagmamakaawa si Irma kay Pangulong Duterte.

"Nakikiusap po ako sa inyo, na bigyan nyo kami ng pagkakataon. Hindi po lahat ng Miascor ay gumagawa ng katiwalian, mayroon pong matitinong empleyado na ang tanging ginagawa po ay magtrabaho ng maayos."

Panuorin ang inilabas na ulat ng TV Patrol:
Source: pinoyscooper.com


Love this article? Sharing is caring!

Isang empleyado ng MIASCOR mangiyak-ngiyak na nagmamakaawa kay Pres. Duterte Isang empleyado ng MIASCOR mangiyak-ngiyak na nagmamakaawa kay Pres. Duterte Reviewed by FN Correspondent on 24 January Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.