![]() |
Former president Noynoy Aquino, photo by Bandera |
Paliwanag ng Sanofi, ang bakuna ay maaaring magdulot ng panganib lalo na kung maituturok ito sa mga hindi pa dinapuan ng dengue batay sa kanilang pag-aaral.
“For those not previously infected by dengue virus, however, the analysis found that in the longer term, more cases of severe disease could occur following vaccination upon a subsequent dengue infection,” paliwanag ng kompanya.
Napag-alaman sa DepEd na umaabot sa 733,000 public school students mula sa Metro Manila, Central Luzon at CALABARZON o Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na nasa edad 9-anyos pataas ang naturukan ng nasabing vaccine.
Ayon sa ulat ng RTVM nuong 2014, nakipagmeeting si Noynoy Aquino sa mga executive officials ng Sanofi para pag-usapan ang nasabing bakuna.
"President Benigno S. Aquino III held a business meeting with executive officials of Sanofi... the group discussed Sanofi’s progress in developing a dengue vaccine for affected towns in the Philippines."
Pagkatapos, bumili ang Aquino admin ng mahigit P3 bilyong halaga ng Dengvaxia para sa isang milyong bata sa mga pampublikong paaralan na may naitalang mataas na insidente ng dengue.
Ayon sa isang former veteran broadcaster ng GMA na si Jay Sonza, ang tunay daw na halaga ng dengue vaccine ay P9.20 per dose. Ang bili ng Aquino administration sa Dengvaxia ay P1,000.00 per dose.
"Kayo na ang bahalang magkuwenta kung magkano ang kinita o overprice o nalugi ng taong bayan. Ito at maliban pa sa panganib sa buhay ng halos isang milyong kabataan," ayon kay Sonza.
Umapela naman ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Department of Justice na ipasiyasat sa National Bureau of Investigation ang dengue immunization program ng DOH na naglantad sa mga bata sa mas seryosong sakit.
Kinakailangan aniyang panagutin ang lahat ng responsable sa pagbili ng anti-dengue vaccine.
Source/s: Jay Sonza, Abante, Sass Sasot
Love this article? Sharing is caring!

Magkano nga ba ang kinita ng PNoy admin sa mapanganib na Dengvaxia vaccine?
Reviewed by Kristian S.
on
03 December
Rating:

No comments:
Share your thoughts here...