Ano ba talaga kuya? Minority senators tuloy daw ulit ang panawagan para pagbitiwin si Aguirre
The minority seantors, photo from GMA News
Matapos bawiin ang mosyon ni Risa Hontiveros na pagbitiwin si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nagdecide ang minority senators na ituloy muli ang kanilang unang desisyon.

Ang mga miyembro ng senate minority ay nagpahayag muli ng suporta sa panawagan ni Sen. Risa Hontiveros para kay Aguirre II na magbitiw sa kanyang pwesto.



Noong Lunes, sinabi ni Hontiveros na ang patuloy na trabaho ni Aguirre bilang Secretary of Justice ay isang "vulgar insult."

Sinabi rin ni Hontiveros na si Aguirre ay nakikipag ugnayan sa mga Volunteers Against Crime and Corruption upang bumuo ng kaso laban sa kanya.

Sinabi rin nina Sens. Franklin Drilon, Bam Aquino, Leila de Lima, Kiko Pangilinan at Antonio Trillanes IV na ang mga kamakailan-lamang na galaw ni Aguirre ay nagpapakita ng kanyang mga di-makatotohanang pagkilos bilang isang opisyal ng publiko.

"Now, he has been caught red-handed plotting against a sitting Senator during a hearing where he is supposed to be paying his utmost attention," sinabi ng mga minorya ng mga senador sa isang pahayag.

Ang mga minoryang senador ay naunang tumawag sa resignasyon ni Aguirre matapos ang pagkalat ng pekeng impormasyon sa mga indibidwal na kanyang tinatawag bilang "dilawan."



"His actions signify a lack of competence for a man who holds the highest office on justice. His actions clearly violate the norms of conduct for public officials under the law," dagdag pa ng mga minoryang senador.

Sa pribilehiyong pagsasalita noong Lunes ng hapon, ipinahayag ni Hontiveros ang isang larawan na nagpapakita ng pagpapalitan ng isang text message sa cellphone ni Aguirre.

“Babasahin ko po ang nakalagay. "Text ng Kausap niya: ‘Naturuan na ni Hontiveros ang testigo. Her questions are leading questions.’ Reply ni Sec. Aguirre: ‘Yon nga sinasabi ko dito. Very obvious. Kaya nga expedite natin ang cases niyo vs her," sipi ni Hontiveros laban kay Aguirre.

Noong Hulyo, ang grupo ng kabataang Millennials Against Dictators ay nag-file ng isang collective administrative na reklamo laban kay Aguirre dahil sa paglabag sa Republic Act 6713, the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Official and Employees, nang nagbigay siya ng mga maling alegasyon laban sa maraming pulitiko at indibidwal.

Source: GMA News, ABS-CBN News



Love this article? Sharing is caring!

Ano ba talaga kuya? Minority senators itutuloy ulit ang panawagan para pagbitiwin si Aguirre Ano ba talaga kuya? Minority senators itutuloy ulit ang panawagan para pagbitiwin si Aguirre Reviewed by Kristian S. on 12 September Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.