Election lawyer on COMELEC chair scandal: 'Sa wakas, nabuking na rin si Angry Bird'
Atty. Glenn Chong, an election lawyer and a former congressional representative reacted to the recent issue involving the chairman of COMELEC, Andres Bautista and his wife Patricia Bautista.

According to Patricia's sworn affidavit, her husband supposedly amassed more than 1 billion pesos; deposited in several bank accounts under Andres Bautista's name.



Following these allegations of Mrs. Patricia, Atty. Glenn Chong suggested that Andres Bautista must be investigated as soon as possible.

Chong summarized in details the alleged 'ill-gotten' wealth of Mr. Bautista and stated these offenses are grounds for impeachment.

"Alinsunod sa Corona doctrine, ang paglabag na ito ay isang impeachable offense na pwedeng basehan ng pagtanggal kay Andres Bautista bilang Chairman ng Comelec," Chong said.

Check out his full post below:

SA WAKAS, NABUKING NA RIN SI ANGRY BIRD

Hindi maipaliwanag na yaman ni Comelec Chairman Andres Bautista ayon sa kanyang asawa na ibinulgar kay Pangulong Duterte at sa National Bureau of Investigation:

1. 35 Luzon Development Bank passbooks na may mahigit P329 million;

2. Foreign currency account sa Rizal Commercial Banking Corporation na may mahigit US$12,000 o halos P641,000.00;

3. Peso account sa Rizal Commercial Banking Corporation na may halos P258,000.00;

4. Account sa Hongkong and Shanghai Banking Corporation na may halos HK$1 million o P6.1 million;

5. Condominium unit sa One Bonifacio High Street;

6. Condominium sa The District sa San Francisco, California, US; at,

7. Mga investments sa labas ng bansa tulad ng interest sa mga korporasyon at mga loan agreeements – Bauman Enterprises Ltd. sa British Virgin Islands, Mantova International Ltd. sa Brunei Darussalam at Mega Achieve Inc. sa Anguilla, Carribean.



Ayon pa sa isa kong source, ang mga investments abroad na ito ay posibleng nagkakahalaga ng mahigit-kumulang P700 million.

Ito ay ilan lamang sa mga ibinulgar ng misis ni Andres Bautista na hindi idineklara sa Statement of Assets and Liabilities (SALN) niya.

Alinsunod sa Corona doctrine, ang paglabag na ito ay isang impeachable offense na pwedeng basehan ng pagtanggal kay Andres Bautista bilang Chairman ng Comelec.

Sabi ko na nga ba, maraming pera sa Comelec dahil negosyo nila ng Smartmatic ang pagbebenta ng dayaan sa halalan. Dumadaloy talaga ang pera ng dayaan sa Comelec na parang gripo kaya madaling makapag-ipon ng tone-toneladang pera.

ANG ILL-GOTTEN WEALTH NA ITO NI ANDRES BAUTISTA AY SINTOMAS LAMANG NG MAS MALALANG SAKIT NG ATING POLITICAL AT ELECTION SYSTEM – ANG PATULOY NA PAGBEBENTA NG MGA POSISYON AT PANDARAYA SA HALALAN GAMIT ANG SISTEMA NG SMARTMATIC.

KAYA KAILANGAN TALAGANG IMBESTIGAHAN AT MANAGOT DIN ANG SMARTMATIC.

Source: Atty. Glenn Chong



Love this article? Sharing is caring!

Election lawyer on COMELEC chair scandal: 'Sa wakas, nabuking na rin si Angry Bird' Election lawyer on COMELEC chair scandal: 'Sa wakas, nabuking na rin si Angry Bird' Reviewed by Kristian S. on 07 August Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.