Election Lawyer: 'Yellows' planned the delay of Prelims on BBM's election protest
Atty. Glenn Chong, a distinguished lawyer and election law expert follows the development of Bongbong Marcos’ election protest. In his recent Facebook post, Atty. Chong posted the  progress of BBM’s complaint.

According to Atty. Chong, The PET demands both parties to submit a preliminary conference brief on the said case. BBM already passed the said requirement. The preliminary conference brief consist lists off witnesses, evidence, documents to be presented to the tribunal.



“I smell something fishy, ” Atty. Chong stated. He said that the original date of the preliminary conference was set on June 21 but because the yellow party and its affiliates tried to cease the martial law in Mindanao, it was set on later date, specifically on July 11.

“Bakit may naamoy ako rito. Dahil alam ko na ipinipilit ng kabilang kampo na malaman ang kung ano ba talaga ang 3 pilot provinces na unang pabubuksan ni BBM sa kanyang protesta. Marami silang mga tangkang malaman ito pero bigo sila. Hanggang sa huling minuto, walang nakakaalam kung ano ang pinal na pipiliin ni BBM bilang pilot provinces sa recount. ”

He also stated that he was doubtful why there was such a rush in the deadline of submitting the requirements to the said prelims. Atty. Chong said it should have been on July 6.

“Ito ba ay paraan ng kabilang kampo na malaman na ngayon ang 3 pilot provinces habang may maraming araw pa bago ang retrieval o pagkuha ng mga ballot boxes sa mga probinsiyang ito? Dahil sa maniubrang ito, nagkaroon ng halos tatlong (3) linggong lead time (June 16 – July 6) ang kabilang kampo kung may gagawin sila sa mga balota.”

Atty. Chong cited the three provinces on which a pilot recount will be conducted: the provinces of Camarines Sur, Iloilo and Negros Oriental. Atty. Chong encouraged everyone to be watchful and must be alert to protect the organic votes and help BBM to protect the truth and the country. He said that the ballots were in the office or storage facility of the municipalities or at the treasury office.

“Huwag nating hayaang manaig muli ang COMELEC at Smartmatic.”



Read the full post below.

PROTEST UPDATE:
BBM FILES PRELIMINARY CONFERENCE BRIEF, SEEKS RECOUNT IN 3 PILOT PROVINCES

Ayon sa patakaran ng Presidential Electoral Tribunal, kailangang magsumite ng preliminary conference brief ang bawat partido sa protesta. Isinumite ni BBM ang kanya kahapon, Biyernes, June 16.

Ang preliminary conference brief ay naglalaman ng listahan ng mga testigo at kung anong mga bagay o ponto ang kanilang patutunayan, mga dokumento o ebidensiyang ilalahad sa tribunal, mga bagay o pontong aamin o pagsasang-ayunan ng magkabilang partido upang hindi na kailangang patunayan o pagtatalunan pa, at mga panukala upang mas mapabilis ang protesta.

I SMELL SOMETHING FISHY!

Ang orihinal na preliminary conference ay dapat ngayong June 21 ngunit dahil sa panggugulo ng mga ng mga dilawan at mga kaalyado nito sa martial law declaration, ipinagpaliban ng Korte Suprema ang preliminary conference sa July 11.

Kalimitan, ang preliminary conference brief ay dapat isumite limang (5) araw bago ang nakatakdang petsa ng preliminary conference. Kaya kung ipinagpaliban ang preliminary conference sa July 11, dapat ang deadline ay July 6 pa o limang (5) araw bago ang July 11. Pero sa order ng tribunal, ang deadline ay ibinase pa rin sa orihinal na pesta, June 21 – kaya ang deadline ay June 16 pa rin.
Bakit may naamoy ako rito?

Dahil alam ko na ipinipilit ng kabilang kampo na malaman ang kung ano ba talaga ang 3 pilot provinces na unang pabubuksan ni BBM sa kanyang protesta. Marami silang mga tangkang malaman ito pero bigo sila. Hanggang sa huling minuto, walang nakakaalam kung ano ang pinal na pipiliin ni BBM bilang pilot provinces sa recount.



Kaya duda ako kung bakit pinaaga ang deadling ng pagsumite ng preliminary conference brief. Dapat July 6 pa. Ito ba ay paraan ng kabilang kampo na malaman na ngayon ang 3 pilot provinces habang may maraming araw pa bago ang retrieval o pagkuha ng mga ballot boxes sa mga probinsiyang ito? Dahil sa maniubrang ito, nagkaroon ng halos tatlong (3) linggong lead time (June 16 – July 6) ang kabilang kampo kung may gagawin sila sa mga balota.

Base sa mga ebidensiyang hawak namin noong 2013, ang sindikatong COMELEC-SMARTMATIC ang tanging maaring magmaniubra sa mga balota matapos ang halalan upang pagtakpan ang kanilang dayaan dahil:

1. Ang COMELEC lamang ang may hawak ng mga ballot paper – kaya pwedeng mag-imprinta ng mga bagong balota na siyang ipapalit sa mga orihinal na balota sa loob ng mga ballot boxes upang magtugma ang manual count at automated count;

2. Ang COMELEC lamang ang may hawak ng lahat ng SD cards at encryption/decryption passwords – kaya pwedeng baguhin ang mga ballot images o picture ng bawat balota na naka-save sa SD cards upang tumugma sa mga ipinalit na balota at sa kanilang resulta; at,

3. Ang SMARTMATIC ang magsisilbing technical advisor ng operasyong ito.

Tandaan, ipinipilit ng kabilang kampo na malaman kung ano ba talaga ang 3 pilot provinces bago pa man ang pagsumite ng preliminary conference brief. Baka naka-antabay na ang operasyon ng sindikato.

Ang tatlong (3) pilot provinces ni BBM ay: (1) CAMARINES SUR (2) ILOILO (3) NEGROS ORIENTAL.

KAYA SA MGA PROBINSIYA NG CAMARINES SUR, ILOILO, AT NEGROS ORIENTAL, ANG MGA PATULOY NA NAGMAMALASAKIT KAY BBM AT ANG MGA NAKIKIPAGLABAN PARA SA KATOTOHANAN AT BAYAN, BANTAYAN PO NATIN HANGGANG KAYA ANG MGA BALOTA NA NASA OPISINA O BODEGA NG MGA MUNICIPAL O CITY TREASURER’S OFFICE.

Ang mga ballot boxes ay nasa opisina o bodega ng mga Municipal o City Treasurer’s Office, sa Municipal o City Hall o compound nito, ng bawat bayan at siyudad ng mga probinsiyang ito. Malaking bagay po kung ipapadama natin sa mga opisyal ng bayan at siyudad na may pakiaalam at nagbabantay tayo.

Huwag nating hayaang manaig muli ang COMELEC at SMARTMATIC.

Maniwala kayo o hindi, paunti-unting kinokontrol ng SMARTMATIC ang ating bansa (creeping invasion) – hindi lamang sa eleksyon. Isusulat ko ito sa mga susunod na araw. Dapat nating labanan ang mga banyagang ito sa abot ng ating makakaya.


Source: Glenn Chong



Love this article? Sharing is caring!

Election Lawyer: 'Yellows' planned the delay of Prelims on BBM's election protest Election Lawyer: 'Yellows' planned the delay of Prelims on BBM's election protest Reviewed by Kristian S. on 18 June Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.