Ang bayan ng San Luis Batangas ang idineklara ng Philippine National Police (PNP) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang kauna-unahang drug-free municipality sa buong bansa sa isang seremonya na naganap noong Agosto 18.

Sa mensahe ni PNP PRO4A Regional Director Valfrie Tabian na kinatawan ni Batangas Provincial Director PSSupt Leopoldo Cabanag, labis ang kanyang kasiyahan sapagkat ang bayan ng San Luis ang kauna-unahang bayang idineklarang malaya na sa ipinagbabawal na gamot.


“Base sa datos ng PNP bumaba ng 40 porsyento ang crime against property buhat ng simulan ang kampanya kontra droga na makikita ang malinaw kaugnayan nito sa mga nakawan at holdapang nagaganap sa bansa. Hindi pa tapos ang adhikain ng PNP at hindi puwedeng ibaba ang lebel ng pagbabantay kung kaya’t patuloy ang operasyon sa kampaya kontra ilegal na droga. Kailangan din ang patuloy na pakikipagtulungan ng pamayanan upang magtagumpay tayo”,ayon pa kay Tabian.


San Luis, declared as first "drug-cleared" municipality in PH
Photo from kabatang.com
Kaugnay nito, nagkaloob si Tabian ng halagang P100k para sa kapulisan ng San Luis bilang insentibo sa kanilang accomplishment.

Binigyan din pagkilala ang 26 na barangay na katuwang ng kapulisan sa masigasig na kampanya kontra illegal na droga

Sa pahayag ni Mary Ann Lorenzo, Information Officer ng PDEA-4A, may batayan ang kanilang tanggapan upang maidelarang drug-cleared ang isang bayan. Kabilan ditto ang non-availability of drug supply, walang drug transit o transshipment; walang drug pusher na naipakulong o sumailalim sa rehabilitasyon; walang protektor o financier ng drugs; may aktibong pakikiisa ang barangay at kabataan sa kampanya; pagsasagawa ng drug preventive education, paglalagay ng voluntary and compulsory drug treatment and rehabilitation desk, walang clandestine drug lab o warehouse at walang marijuana cultivation site

Sinabi naman ni Mayor Samuel De Ocampo na bago pa man ang pag-upo ng Pangulong Duterte ay sinimulan na nila ang kampanya kontra droga at mas lalo itong naging masigasig noong ipatupad ang Oplan Tokhang ng PNP.

Bunga nito, umabot sa kabuuang 251 ang bilang ng mga residenteng may kaugnayan sa illegal na droga ang sumurender, ayon kay PSI Radam Ramos, hepe ng San Luis.

Ilan sa mga programang ipinatupad kaugnay ng temang “Mapayapang San Luis ay Makakamtan, kung Drogang Mapanlinlang ay Maiiwasan” ang pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa lokal na pamahalaan at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), pag-reactivate ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at pakikipagpulong sa mga opisyal ng barangay, pagsasagawa ng drug symposium sa mga iba’t-ibang paaralan at paglalagay ng anti-illegal drugs information box.

Kaugnay nito, sumailalim sa drug testing ang mga kawani ng lokal na pamahalaan na gamit ang pondo mula sa personal na pera ng punumbayan. Negatibo naman ang naging resulta ng lahat ng dumaan sa drug testing.

Source: Phil Info Agency


Love this article? Sharing is caring!

San Luis, declared as first "drug-cleared" municipality in PH San Luis, declared as first "drug-cleared" municipality in PH Reviewed by Kristian S. on 28 August Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.