Mark Lopez post on Facebook, photo compiled from Facebook
Isa sa matapat na Duterte Die Hard Supporter (DDS) Blogger na si Mark Lopez, ay nagbahagi ng kanyang karanasan sa pangunahing tanggapan ng Department of Foreign Affairs Aseana na matatagpuan sa 2330 Roxas Boulevard, Pasay City. Sinabi ng DDS Blogger sa kanyang open letter para kay Pres. Duterte ang mga paghihirap ng bawat Pilipino sa pagpoproseso ng kanilang mga pasaporte sa DFA.

Ilang mga larawan ang nakuha ni Mark Lopez sa mahabang pila ng mga aplikanteng kumukuha ng pasaporte ngayon, habang tinawag niya ang pansin ng Pangulo upang tingnan ang isyu at pinaalalahanan si Pres. Duterte na sinabi nito minsan na ayaw niya ang mga Pilipino na dumaranas ng mahabang queue habang kumukuha ng mga government services.



Iminungkahi din ni Lopez na bakit hindi na lang gamitin ang mga lokal na pamahalaan o ang City Hall para sa pagpapalabas at pag-renew ng pasaporte dahil sa pangunahing tanggapan ng DFA ay may ilang mga naaantala at misdirected na mga reaksyon.

Narito ang kumpletong open letter ni DDS Mark Lopez para kay Pres. Duterte:

Dear Mr President,

It is 6:22 AM po pero tingnan nyo po ang litrato sa baba. Ako po mismo kumuha nyan...

Ganyan na po kahaba ang pila sa harap ng DFA sa Aseana.

Eto ho eh bukod pa sa issue o problema ng appointment ng pagkuha o pag renew ng passport.

Ang alam ko po, ayaw nyo ng ganito eh ung pinahihirapan ang mga ordinaryong Pilipino...

Ang isa ko ho hindi maintindihan eh bakit hindi po gamitin ang mga LGU o mga City Hall sa pag issue ng passport? Ano ho ba ang problema kung ma utilize un? Technology? Budget? Tao?

Baka puede po na saltikin nyo mga responsable dito.... mukhang delayed at misdirected ang reaction.



Nahiya man po ako na dumerecho sa inyo pero ala eh, ang tagal tagal na problema na ito.

Nakakaawa talaga ang mga mamamayan. Lagi na lang po pinapapila, pinapag antay, at pinapag sakripisyo...

Sana po ang ating gobyerno eh i adopt na universal motto o slogan ang

“THERE’s ALWAYS A BETTER WAY”

Disclosure: Ako po at kasama ko 3 anak ko eh nakakuha po ng appointment dahil po sa tulong ng isang kongresista... Take note, khit po ung endorsement na yun eh last week pa po un tapos kalahating araw din ang pagpila sa Main DFA office para lang ma certify ung endorsement. After a week eto, punta naman dito Aseana at kelangan maaga dahil hindi din guaranteed yung endorsed appointment kung ma process ang renewal mo. Tapos ganun pa din, pipila din po kami and kaya nga po 5:30 AM umalis na kami ng bahay.




Source: Mark Lopez FB page


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!

Viral: Open Letter ng isang DDS blogger para kay Pres. Duterte patungkol sa pagpila sa DFA Viral: Open Letter ng isang DDS blogger para kay Pres. Duterte patungkol sa pagpila sa DFA Reviewed by FN Correspondent on 2:39 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.